Tuesday, July 7, 2009

Wala Lang

Wala akong magawa ngayon. Maraming problema ang gusto kong takasan, pero paano. Maraming posibleng paraan, marami akong naiisip na paraan. Kung ano at kung paano, bahala na lang siguro si Batman. Sa ngayon, ang gusto ko lang ay makalimutan ko yung mga gusto kong makalimutan, isipin yung mga gusto kong isipin, at gawin yung mga gusto kong gawin. Gaya ng blog na 'to. Sino bang makakapagsabing ma-eengganyo din ako dito. E bakit ba, wala namang masama di ba? Bawal ba? Kanya-kanya lang yan ng trip. Walang basagan ng trip. Wa pakels! At dahil sa kawalan ng magawa, gagawa na lang ako ng wala. Marunong ka bang gumawa ng wala? Nabasa ko yun sa isang libro, kung saan nagtanong ang isang hayop sa isang kapwa hayop kung anong ginagawa nya. Sumagot ang tinanong, gumagawa daw sya ng wala. Tulad ko ngayon, pag may nagtanong sa kin kung anong ginagawa ko, ang isasagot ko rin, "wala lang!" At anong malay natin, kung mula sa ginawa kong wala na ito, magkakaron ng "meron", hindi na masama di ba. Akalain mo yung wala biglang nagka-meron. At kung sakali mang magkaron nga ng meron ang wala ko, aba, masasabi ko nang marunong na akong gumawa ng wala. At ipagmamalaki ko yon. Para kahit papano, mayron akong maipagmamalaki. At kapag may nagtanong ulit kung ano un, ang isasagot ko, "wala lang!"

No comments:

Post a Comment