Tuesday, July 7, 2009

What the....

Anong oras na? Hay, ang hirap matulog. Ang hirap gumawa ng tulog. Ang hirap magpanggap na tulog. At lalong mahirap kumbinsihin ang sarili mo na tulog ka. Sinasabi na nga kasi, hinay-hinay lang sa kape. Hindi ung ginagawang tubig ang kape. Tuloy anong oras na, dilat na dilat pa rin ang mata. Kung haharap nga ako sa salamin e tyak na matatakot na ako sa sarili kong reflection. Sabi nga ng kanta ni Mulan, "why does my reflection show who I am inside?" Teka, anong konek? Dahil lang ba may word na reflection kaya napunta kay Mulan? Aay... adik... Hala, itulog ko na lang kaya to 'no. Baka sakaling may mapala pa ako. E anong gagawin ko nga, hindi ako inaantok. Mamaya may pasok pa. Anong oras na. Yan kasi ang hirap, gaya-gaya kasi. Palibhasa may kakilala kang gumagawa ng blog, at alam mong nagpuyat din, ginaya na din at nagpuyat. At mas matindi kasi lumiwanag na sa paggagawa ng mga kung ano-anong hindi naman maintindihan. Kung sakali kayang may babasa ng ginawa kong ito, maintindihan kaya nya ang mga sinulat ko? Palagay ko, palagay ko lang ha, hindi nya maiintindihan...

1 comment:

  1. yung eh..gaya gaya cya..hehehe.loveu.. mag blog roll ka para mabasa ng iba ang blog mo

    ReplyDelete